03.27.2009

THE #1 ERASERHEADS FAN

THE BIGGEST EHEADS FAN IS PROUD TO SAY THAT HE HAS ALL THE ALBUMS, WORN CHUCKS, ADIDAS, AND DOCS, DYED HIS HAIR GREEN, CHOSE THE EHEADS OVER SPAIN. AMEN TO THAT!

More than the usual fanfare, more than the usual fanboy adoration, and more than the usual declaration of devotion. This fan is more than just punk.

 

 

"Oi! Oi punk! Sahanga pala, ako ang biggest Eraserheads fan at ang mga ginawa ko ay: Bumile ako ng ultraelectromagneticpop kahit di ko pa alam kung ano ang mga kanta sa loob. Aha! Binili ko lahat ng tapes nila mula Ultra hanggang Carbon, hanggang tribute albums…sa first day of release huh.. tsaka lahat nung pinroduce nila tsaka lahat nung album guestings nila okey?"

Read on. But if you don't get that rhythm going in your head while reading the piece, get outta here. ;)



“Fan Zappa” 

Oi! Oi punk! Sahanga pala, ako ang biggest Eraserheads fan at ang mga ginawa ko ay: Bumile ako ng ultraelectromagneticpop kahit di ko pa alam kung ano ang mga kanta sa loob. Aha! Binili ko lahat ng tapes nila mula Ultra hanggang Carbon, hanggang tribute albums…sa first day of release huh.. tsaka lahat nung pinroduce nila tsaka lahat nung album guestings nila okey? Tapos nagsuot ako ng chucks kahit bawal sa skwela namin ang mag-sneakers.  Tapos gumawa ako ng banda, shempre nakipag-battle kami sa kantang Ligaya! Tapos nung na-release ang Circus nag-cut ako ng klase para magcommute Pampanga to Manila, para unang makascore ng album nila sa first day of release! Tapos kumain ako ng maraaaaaming maraaaming burger.  Tapos nabadtrip ako kay Tito Sotto kaya tinugtog din naming sa intro ng Alapaap ang Iskul Bukol riff nung nakipag battle kami sa plaza ng Guagua. Tapos nagconcert sila sa Guagua kaya pumunta ko sinundan ko si Lemon pumasok sa simbahan tapos nagpa-autograph ako sa loob ng simbahan! Hassle yon pare pero ok na ren! Tapos nangolekta ako ng maraaaaaming maraaaming tansan at nagnakaw ng maraaaming maraming posters nila na may hawak na sowpdrinks sa tindahan! Tapos nung na-release ang Cutterpillow, nag-cut ako ng klase para magcommute Pampanga to Manila, para unang makascore ng album! Tapos shempre, bumalik ulit ako ng ilang months para umiskor ng Pillbox. Tapos ayoko na ng Chucks nag-adidas nako’ng pumasok sa school! Tapos, shempre, bumogchi ako ng maraaaaaming maraming Chippy, shempre uminom ako ng Pepsi pero bumili pa rin ako ng Coke 500. Tapos pumunta ako sa booksigning ng Fruitcake shempre sa National Bookstore. Kaya nung gumradweyt ako ng highschool ginaya ko yung pose nila nung naka-toga sila! Tapos shempre nag-college na’ko so hinanap ko talaga kung nasaan yung Tita Beth’s Carinderia atsaka yung bahay ni Aureus Solito sa Sampalok kase dun shinoot ang El Bimbo! Tsaka shempre lagi ako tumatambay nun sa E-hole! (Ehole..Hello?! sabi lagi ni Gigi! Si Gigi..Kilala mo sha?) Kase yung thesis ko tungkol sa Eheads! Tapos shempre, ayoko na ng Adidas nag-DMs nako kase yun suot nila sa Kaliwete video..tsaka alam mo yun, yung E-shirts na yung naging college uniform ko! Tapos shempre nag yosi na rin ako para kumpleto yung E-maj with attitude.  Ginawa yun ni Father Markus diba. Tapos shempre, nangolekta rin ako ng maraaaaming maraming stickers! Tapos sumulat ako sa MTV Philippines para magrequest na i-play lagi ni Mike Kasem at Donita ang mga videos ng ‘Heads para matalo nila BSB at Spice Girls sa top ten! Tapos nagharana pala ako sa Sampalok kahit di ko mashado type yung chick kase hinarana nila si Mikee sa GMA7 diba?  Tapos nagpakulay ako ng buhok. Hindi yung yellow ah..yung..GREEEN! Kaso di nakuha ng parlorista yung green kaya nauwi sa gold!!! Tapos nag-gatecrash ako sa Limits Disco kase dun ang launch ng Aloha, pareho pa kami ng army jacket na suot ni Markus! Tapos bumile ako ng maraaaaming maramiiing Natin99 stickers at pinagdeeedidikit ko sa mga bus pag umuuwi ako from Manila to Pampanga! Tapos tinitignan ko ng masama ang mga tinginingining na kupaw nayan kase gusto lagi nila kupaw binabastos na nila mga idol ko! Tapos, umattend ako ng mga fansday nila sa 70s Bistro! Tapos umalis si Ely, na-depress ako, mhen!  Pero tinetext ko pa rin shempre si Buddy, ganon, kase gusto kong i-uplift yung spirits nila. Tapos nung umalis na si Makoy, ayun nag lie-low muna ko ng konte pero shempre bumili pa rin ako ng Mongols, Cambio, Sandwich atsaka lahat ng banda ni Raimund Marasigan! (ni Raimund Marasigan! Ni Raimund Marasigan!) Tapos shempre nagtrabaho nako sa advertising kaya lahat ng concepts ko dapat laging may jingle na kanta ng eheads. Tapos, shempre nag-asawa na’ko..pangalan pala ng asawa ko Toyang. Tapos yung anak ko Aon, kase yung anak ni Ely Eon. Tapos shempre nung bininyagan sha ninong si…Markuuuus!!! Shempre ninang rin si Julietearjerky..kilala mo sha? Tapos nung nagreunion concert sila nung August, inayawan ko yung inoffer na business trip ng office ko ipapadala dapat ako sa Spain. Shempre di ko pipiliiin ang Spain over Eheads!!! Tapos shempre nakisigaw din ako ng “Group Hug, Group Hug!” atsaka ng “Maaarrrkuuus!” sa With A Smile! Shempre isang linggo akong walang boses pero cool yun mehn! Tapos, shempre nabitin ako sa concert pero di ako nambadtrip kaya naghang-out muna ako ulit sa Circus tapos nanuod ng Pupil, the Dawn, Markus Highway, Sandwich atsaka lahat ng iba pang banda ni Raimund Marasigan! (ni Raimund Marasigan!) Tapos, shempre, kahit may crisis bumili pa rin ako ng dalawang…VIP tickets at pipila kami ng umaga pa lang sa MOA mag-asawa para pinakauna kami sa pila! Tsaka shempre makukuhanan kami sa camera tas makikita ang pagiging number one fan ko sa buong Pilipinas! (sa buong Pilipinas!) Ok ba yon Ok?  Ako ang biggest Eraserheads fan. Amen ba yon, Amen? Gusto niyo? Tyak yon! (Amen!)



CONGRATULATIONS, Mr. Aidon Panlaqui/eheadologist, for being the #1 Eraserheads fan! The autographed Fender Thinline Telecaster + Frontman Amp is all yours! (We'll schedule the turnover to you; please wait for our email/call.)

MANY THANKS to Mr. Raymund Marasigan for judging the entries! (To eheadologist: your entry was a "riot," according to Mr. Marasigan!)

 

I remember in the late 90s when I went to The Philippines. "Circus" was their latest album. It totally blew me away. The Eraserheads gave me the same feel-good impression as The Beatles. I've never found a Pinoy band with that much charisma, talent, and fun. ----------- OliviaB. San Francisco DUI lawyer

Posted By: OliviaB on April 02, 2009 at 06:05

Fan Zappa! tapos peram ako nng gitara kasi sasabayan ko yung huwag mo ng itanong regey version ni makoy, nung 2nd reunion, kasi ang cool nun! tpos siyempre congratz! congratz! tpos penge naman ng raket kc sa advertising ka pala ng nagtatrabaho! e2 email ko popoyferrer@gmail.com! yahoo! congratz! amen!

Posted By: popoypeace on March 30, 2009 at 16:57

galeng boss! you rock!

Posted By: liquidpaste on March 28, 2009 at 06:36

astig yos :D congrats po.

Posted By: benise on March 27, 2009 at 18:04

Yer the man, ser Aidon/Eheadologist! Next sembreak, magsi-sit in na talaga ako sa klase mo. Haha.

Posted By: AndalusianDawg on March 27, 2009 at 17:07

aliw congrats... i posted this on multiply

Posted By: mariya on March 27, 2009 at 15:28

ang galing ang galing ang galing!! bet ko talaga si finalist B! im so happy for you! alagaan mo yung fender ha :D pamana mo yan sa mga anak mo hehe :D congrats!!

Posted By: nevitsky on March 27, 2009 at 15:07

Well.. :'( just wasn't my beef.. congratz ulit pare!! PAN ka nga!amen!!tiyak yon!!amen.... julietta01-signing off

Posted By: julietta01 on March 27, 2009 at 13:09

AHA!!!ikaw pala ung sumisigaw sa kantang with a smile!! asteg!!so kilala kna pla nila mtagal na.. swerte mo..congrats!!!

Posted By: julietta01 on March 27, 2009 at 13:07

wow! Salamat, salamats Pulse, Fender, Lemon & the Eraserheads! I share this win sa lahat ng sumali sa contest (esp sa dalawang kasama kong finalists) at syempre, sa lahat ng fans lalong-lalo na sa mga kapatid ko sa Circus. Jen-jeng-jeng-jeng-jereren-jeng-jeeeengg!! :)

Posted By: eheadologist on March 27, 2009 at 13:05

congrats brad! :D

Posted By: koops313 on March 27, 2009 at 12:15

hayop! gamitin mo yung gitara para hindi sayang ha!

Posted By: akosipaeng on March 27, 2009 at 11:14

POST A COMMENT:

You must be logged-in to post a comment.